Valentines was months ago but it's still never too late to celebrate it! Catch couple Jaelene Mina and Rimar Joe, a visually impaired couple, in this new Speak Out episode. Immerse yourself from the moment they first met in an Atria Training Center, to a surprise proposal on a park bench in the middle of Dagupan City. Love may be blind, but maybe that makes it all purer.


So hello, everyone! Welcome to another season of Speak Out. I’m Joami Ona


And I’m Vianna Villegas.

It’s nice to head back to this familiar set up. So Joami, since I’m new to this, what is Speak Out again?


Well, yeah. Speak Out is a podcast series that aims to teach the LS Community and SPEED’s partner communities about the…more about the disability sector.

Here in Speak Out, our speakers will delve into their stories and experiencing–and experiences involving the sector.

The project aims to embody the value of inclusivity and become an avenue for different stakeholders to have genuine discussions about issues in the sector.

So Vianna, you got that intro?



And, um, I also noticed that, um, we see a lot of stories onscreen and offscreen about different representations of love, but we rarely do encounter representations of love and relationships within the PWD community.

Now that leaves us with a huge curiosity on what happens inside the relationship, maybe friends or lovers where one, or even both are members of the sector.


Today, we are graced by the presence of Ms. Jaelene Mina and Mr. Rimar Joe Reynado, a PWD couple bound for marriage here to enlighten us about all things love and relationship



That sounds great, Vianna!

So our wonderful couple today both work at the Atria of Computer Training Center for the visually impaired.

Ms. Jae, graduated bachelor elementary school education master in special education, and is currently a master trainer who works as an audio transcriber, digital accessibility, auditor, and speaker.

She is completely blind due to glaucoma.

She is also part of VIFAL, which stands for Visually Impaired Inclusion, Fashion, Accessibility and Lifestyle, which is an organization that aims to empower visually impaired individuals in a multitude of aspects as a writer, audio and video auditor, podcast creator and even an email manager.

Her hobbies include playing audio games, reading books, taking online courses and listening to fiction podcasts.


Sir Jake on the other hand, took up BS Computer Technology, and is ATRIEV’s technology trainer and moderator, website developer, accessibility auditor, app tester and computer technician.

He is also completely blind, having lost his vision 12 years ago due to retinal detachment.

He also helps out in VIFAL as a livestream producer and technical staff.

During his free time, he also enjoys reading books, playing audio games, watching anime, coding, and trying out new apps.


So thank you for that, Vianna!

So, before we start with the questions, we’d like to ask our guests first…

So how has your day been naman po?

Kumusta naman?

Ms. Jae:

Yan, inspired and in love.

Sir Jake:

So, um, ako rin po, in love and inspired.

Ms. Jae:

Yeah, medyo mainit dito sa Dagupan kasi currently, nasa Dagupan City ako.

Eh medyo mainit talaga.

Nag-ano, um, sobrang init.

Vianna: Sir Jake:

Ah, kayo po, Sir Jake?– ay sorry sorry || Yes po and..

Sir Jake:

Ako naman po ay nandidito po ngayon sa Cavite.

And currently, maulan-ulan po dito ngayon kaya ayun po medyo kanina pa nagloloko yung signal kasi mahangin.

Ayun po.


Okay, buti po yung signal lang po yung nagloloko.

Wala na po nagloloko.

Sir Jake:

Ayy, ‘yun lang naman po.

Wala naman na po tayong iba pang planong…balak magloko.

Ganyan po.


Pero syempre curious po kami.

Um, gusto po–curious po kami since ‘di ba nga, as you mentioned earlier on the route po tayo to marriage.

Paano po naganap ang ating proposal?

Ms. Jae:

Okay, sino magku-kuwento?

Ako? ikaw?

Sir Jake:

Ikaw na lang para… personal experience mo naman yan eh, ‘di ba?

Ms. Jae:


Okay, so..

Sir Jake:

Kinikilig ka pa niyan ah!

Ms. Jae

Kasi ngayon LDR kami since nagstart yung pandemic talagang medyo bihira na kaming magikta.

Um, magkita… ibig-sabihin pumupunta siya dito sa amin, pinapasyalan niya ako.

So, um, medyo naging challenging pero okay lang.

And then, last na nagkita kami, um, Feb 27 na yun na rin yung nag propose siya.


So akala ko ‘nun ano eh…kakain lang kami sa labas ganyan or yung usual lang na magku-kuwentuhan or maglalakad-lakad sa may beach ganyan.

Tapos habang naka-upo kami ‘dun sa may bench, yung isang–isa sa mga park dito sa amin sa Dagupan City, mamaya parang nagi-ispeech na siya.

Sabi ko, “ano na naman kayang kalokohan nitong lalaking ‘to? Bakit–ano ba yung sinasabi-sabi nito?”

Sasabihin niya na: “Ito, mahigit five years na tayo. Kailangan na natin mag level-up” ganyan ganyan.

So sabi ko, “Oo nga bakit? Ano ba ‘yun? Ano ba ‘yun?”

Ilang beses ako gumaganon kasi itong si Jake may pagka joker siya so may mga times na may sasabihin siyang joke sa’kin, pinapaniwalaan ko.

Ewan ko ba, ilang beses na ‘yun.

Alam ko namang joker siya pero naniniwala pa rin ako.

Ayan sabi– “ano na namang kalokohan nito?” sabi ko.

Ta’s mamaya meron siyang hawak na–na something.

“Ano ‘yan? Ano ‘yan?” sabi ko sa kanya.

Ayun, yun pala hawak na niya yung ring tapos tinanong na niya sa’kin yung alam niyo na, magic question: Will you marry me?

Edi sabi ko “Yes!”

Ayun na ‘yon.

Sir Jake:

Parang nahirapan ka pang sabihin na ring yung hawak ko ah?

Ms. Jae:




So, Sir Jake, ‘yun naman po yung nangyari?

Sir Jake:

Um, opo.

Yung nangyari po talaga, ayun po niyaya niya akong lumabas tapos..

Ms. Jae:


‘Yan na po, nagbabalik na po siya.

Sir Jake:

Tama naman po yung kuwento niya.

Dun po kami sa ano, ano nga bang pangalan ng lugar na ‘yon?

Japanese garden yata something near the beach.

And then nagpicture-picture kami ‘dun.

Kasama niya po yung kapatid ko tiyaka…

Ay ‘di pala, baliktad.

Kasama niya yung kapatid niya, kasama ko yung kapatid ko.

Gan’un po siya.

Then, actually before po ‘yun nag message na ‘ko sa–sa family po niya, sa kanila na ‘yun nga may plan.

Then kaya po sumama yung kanyang sister

Then nung na-upo po kami ganyan nagulat na lang po ako kasi may nilalabas po siya sa bulsa niya

Ms. Jae:


Sir Jake:

Tapos ‘yun nga po, level-up daw… ganyan ganyan.

And then ‘yun

Ms. Jae:


Sir Jake:

Syempre na-speechless na po ako, natulala po ako eh nung nakita ko yung ring.

Napa-yes na lang ako eh.

Ta’s ‘yun, nagtatalon po siya ‘dun.

Ms. Jae:



‘Di pero actually ano nagulat din ako nung sinabi niya yun na nalaman ko na alam na ng buong family ko alam na ng mga tao dito sa bahay.

Nung pagdating ko dito sabi ko “Ma! ma! nagropose na sa’kin si ano”, sabi kong ganyan.

“Alam ko!” sabi ni mama…

Sabi ko “Ay! loko pala ‘to eh, sinabi na pala niya (Jake)”.

Ta’s ‘yun.

Nagulat lang din ako na alam na pala nilang lahat sa bahay.

Kaya pala gan’un yung reaction ng sister ko na alam mo yung parang kilig na kilig na mongga.

Yun pala alam na niya.



Ikaw pa pala yung na-last na nakalaman.

Ms. Jae:


Yeah, yeah!


Okay, so parang it’s nice to see naman po na parang deep ang relationship ninyo, magkasama…

So parang, let’s go back naman po.

Tanong lang naman po namin, paano nags-start yung mga connections or relationships niyo with other members of the PWD community or like kahit non-members of the PWD community.

Ms. Jae:

Oh, ikaw na Jake.


So paano ba nags-start?

Sir Jake:

Ayan, so ayun po.

Actually yun nga isa po talaga akong mahiyain na tao dati lalo na kasi hindi ko masyadong nakikita yung kaharap ko kahit na maginitiate ako ng conversation…

Parang nahihiya ako kasi baka mali yung harapan ko or baka habang nagsasalita ako ta’s bigla kaming magkabangga ganyan something or may yung hindi mangyaring–ano ba tinata–pangyayaring dun sa pagitan namin habang nagsasalita or habang tinatry ko siyang kausapin.

So ayun po.

Pero once po kasi na may mag start na ng conversation sa’kin, tulad nga po ng sinasabi ng karamihan sa mga friends ko since yun nga po, jolly ako, humorous daw po, palabiro, positive…

Ayan so lagi daw pong merong ano positive outlook in life, parang ang gaan-gaan ko daw po kausap.

So once po kasi nakausap ko na parang–alam niyo po ‘yun?

Parang meron nang nabubuong bonding sa pagitan namin kaya hindi na po mahirap maging–ano ba yung tawag?

Yun, mag-maintain ng communication or even mag-establish po ng friendship sa pagitan namin nung nakausap ko.

And ayun po, these past few years, yun po yung inoovercome ko, yung pagiging medyo mahiyain.

Kasi po pagka ganon talagang hindi ko po ano eh dati hindi talaga ako nag iistart ng conversation dahil nga dun sa takot , sa hiya ganyan.

Pero ngayon po medyo ano na tayo–medyo kumakapal na yung face ganyan.

Kaya na po magstart ng conversation and di na po ganun kahiya masyado.

And ano po ba tawag dun?

Open din po kasi ako sa mga friends ko so sinasabi ko na kagad, person with disabilitiy man yan, sighted man yan or blind na eto kasi, ganito ako, and ah yun po I’m just being myself po sa harap nila.

Throwing questions, sumasagot din po sa mga tanong ganyan and yun po.

Sa mga interest, di ko po alam… Parang pag nakausap ko na parang ang tagal na namin, tapos parang ang dami na naming pinagdaanan na kuwento.

Ayun po, so parang yun nga ang dali daw po makagaanan ng loob and masaya daw po kausap.

Sabi nga po one time nung mga nakakasama ko, there was never dull moments daw po when you’re with Jake–parang ganon, masaya lang daw po ganon.



Agree po ba tayo diyan Ms. Jae?

Ms. Jae:


Kaya nga nung sabi niya nahihiya daw siya sabi ko “bakit kaya nung una niya ‘kong kinausap di siya nahihiya?”

‘Di, chos lang!

Sir Jake:

Pag i-kuwento ko po, eh siya po talaga yung unang nag-initiate ng usapan sa pagitan po namin.

Nangyari po ‘yan March 17, 2016 po sa loob po ng Atria Training Center po.

Yes po.

Nandun po yan sa training room 1 kung saan ako po ay nagpe-prepare ng aking computer para sa aking final presentation.

Pumasok po siya, naamoy ko po na merong pagkabangong pumasok.

Joami & Vianna:


Sir Jake:

Dun pa lang po initiate na niya yung conversation sa pagitan namin eh kasi nagpabango po siya nga ganun para ma-attract ako.

‘Di ba?

Intentional yung….

Ayun po.

Siya po talaga nag i-start.

Tapos nung nakausap niya po ako, gumaan na yung loob niya sa’kin, nagtext-text na po siya…

Ms. Jae:

Ayan na naman po tayo!

Oh sige na, mamaya ka na!

Ayan, yung sa’kin naman, I have to agree dun sa interest kasi napapansin ko din sa mga naging mga friends ko both within the community or sa mga non-disabled, ano sila yung meron na akong kapareho sa kanilang interest.

Like for example, yung bestfriend ko since high school na sighted wala talaga siyang disability…

Pareho kasi kami dating mahilig sa anime and marami kaming similarities ganyan kaya nagki-click kami.

And same din dun sa mga friends ko na mga visually impaired din.

Kapareho ko sila na mahilig magbasa ng books ganyan or sa food ganyan, nagkakasundo kami sa maraming bagay.

So I think malaking bagay talaga kapag meron kayong common interest whether disabled or non-disabled yung mga kasama mo or mga visually impaired man yan or belonged to other categories of disability, basta meron kayong something in common…

Talagang dun na mag-istart yung conversation kahit na bagong kilala lang ganyan, so pag nalaman nila na “oh ma’am mahilig ka rin pala magbasa ng fantasy” or “fan ka rin pala ng ganitong author” “ay oo blah blah blah blah..”

Parang ano lang din mga yung mga ginagawa lang din ng mga sighted na meron silang something in common ‘di ba?

Tapos magki-click, “oh mahilig ka pala sa k-drama!” ganito ganyan “fan ako ng ano, Crash Landing on You chuchuchu”

‘di ba?

So dun pa lang magsa-start na talaga yung friendship.

Yeah, yun.


Pero syempre nabanggit niyo po yung friendship at kung paano nagsisimula…

Ano po ba yung mga nagpapahirap sa pagsimula ng friendship, para po sa inyo?

Ms. Jae:

Um. for me ah, unang-una kasi lalo na kapag ang ayan…

For me kasi lalo na kapag dun sa inter-abled na tinatawag–yung non-disabled na magkakaroon ng friend o gusto makipagkaibigan sa mga persons with disability–ang unang una kasing hesitation nila is paano?

Paano mag a-approach ganyan?

Kasi ang unang una na tinitingnan ng marami is yung disability.

For example, “ah nahihiya akong… siya ganito ganyan” baka di ako pansinin or baka may masabi ako na di niya magustuhan ganyan ganyan.

So yun yung isa sa mga challenges na nakikita ko kasi nagkakaroon ng hesitation yung mga tao na i-approach yung mga persons with disability lalo na kung,

kung ganon na nakita nila na “ay ano siya ganito ganyan baka may masabi ako na ‘di magustuhan”.

Paano ko kaya siya kakausapin?

Paano ko kaya siya ia-approach?

And I think nao-observe ko din since nag…na-ano na rin medyo expose na rin talaga ako sa community na ganun din sa mga kapareho na may disability.

Ganun din “Paano ko siya ia-approach?”

“Ano kaya yung pwedeng mag spark ng interest?”

or yung ano kaya yung pwede naming mapag-usapan ganyan ganyan.

So I think yun yung isa sa mga challenges pagdating doon.

Sir Jake:


That’s great!

Ako naman po siguro yung challenges po sa’kin talaga or yung barrier para dun sa friendship siguro po yung kung hindi ako yung ano kasi….

yun nga po tulad nga ng sinabi ko open ako sa lahat.. ganyan..

siguro yung nagiging barrier lang is yung hesitation po nung kakausapin mo or nung gusto mo kaibiganin.

yung takot niya to engage with someone na hindi naman niya kilala tapos yun pong parang takot niya na ayun nga baka gawan siya ng hindi maganda lalo na

kung meron siyang disability and then bigla ka na lang kinausap or may

nag initiate sayo na wala naman disability, nilaptian ka,

pwede kasing habang bata siyaa or yun yung pagkaka program habang lumalaki siya na kapag ka yun nga since may disability baka yung nasa isip niya is lalamang or pwede siyang–ano bang tawag ‘dun?–goyoin something or maloko ng tao, ma-take advantage.

yung mga ganun takot po.

and yun pong sigurong barrier is siguro yung sa environment din po kasi kung hindi naman siya nakakalabaa ng bahay nila

and nakakausap lang niya or misnan lang sila magkaroon ng interaction parang hindi mabubuild yung friendship

kahit na kakilala mo siya by name siguro you will remain strangers pa rin sa isa’t isa kahit na meron kayong konting conversation

kasi hindi naman talaga kayo nag sosocialize dalawa

lalo na kung ganun nga something nag-usap lang kayo saglit.

And siguro po isa rin sa nagiging barrier yung ibang sighted po siguro yung lack of awareness natin tulad nga nung sinabi ni Ms. Jae diba na dun sa how to approach or interact with PWD.

Actually hindi lang naman yung mga sighted yung namomroblema diyan kasi PWD din po minsan hindi rin alam kung paano ba makikitungo sa kapwa nila PWD.

so dun pa lang po nagkakaroon po ng problem kasi minsan ano sabi nga, eto po madalas nangyayari lalo na sa mga gaya namin, visually impaired ano.

May kasama po ako and then yung kakausapin…

For example may mag iintiate nga ng conversation pero yung kakausapin ng tao is yung kasama ko instead of ako.

Pero yung pag-uusapan, ako.

Parang ganun po na imibis na kausap ako directly, naka third-person.

Tinatanong “uy anong nangyari sa kanya?” parang ganun or “ay ano siya totally blind, kailan pa?” pero pwede naman niya akong kausapin directly ‘di ba po?

yung mga tungkol ganun.

And also yun pong parang di ko alam pa’no ba ie-explain yun eh yung barrier na din pong

parang kasi ano eh medyo nakaka-off din po yung halimbawa

“napanood mo ba yung palabas kagabi--ayyy narinig?”

Yung tipong ganun po na alanganin sila talaga na kausapin ka or mag initiate ng conversation.

yun po barrier po talaga po yun.

Pero ayun po siguro lahat naman ganun so yun po talaga nangyayari sa ngayon at yun po yung plano namin na ipakalat yung awareness nga po para syempre lahat po tayo is…

sighted at tiyaka with disability naman po makikinabang sa awareness na ganyan kung sakali

so unang-una po ‘iyan to break the barrier po in establishing friendship between people either without or with disability.

Ms. Jae:

And at the same time, ginagawa din anming aware yung PWD na kahit sila pwede silang makipagkaibigan sa mga—

Sir Jake:


Ms. Jae:

–non-disabled kasi yun din nagkakaroon din ng hesitation kaya nahihiya or parang may fear yung mga persons with disability to mingle with those non-disabled kasi ‘di rin nila alam kung paano sila makikipag-kaibigan kasi baka may doubt sila na

“ah baka di nila ako kausapin” “baka alanganin sila” ganyan ganyan or “baka pagtawanan ako niyan” [Sir Jake: “baka laitin pa ako niyan”]

Oo, yeah!

Sir Jake:

“i-discriminate pa ako niyan”

Ms. Jae:

Pero ang ano naman, marami pa ring naman mga tao ngayon na ayun hindi naman talaga sila nag discriminate, curious sila, willing naman sila, willing to learn pero yun may PWD rin kasi na kailangan ding malaman na pwede rin silang makipagkaibigan sa mga non-disabled.

Sir Jake:


Ms. Jae:


So yun yon.


So para po sa inyo hindi po ba nahaha–syempre medyo na-highlight na rin po ninyo kanina na hindi nga nakakatulong yung pinag-uusapan kayo sa harap na parang medyo ilag ang mga tao.

So ano po yung nakakatulong sa pakikipag-interact, para sa inyo, sa mga naranasan ninyo?

Ano yung mga na-appreciate niyo na ginawa sa inyo para ma…nag-effort sila in a way to make friendships happen?

Ms. Jae:

Hmm, ako…

Sir Jake:

Ay sige go!

Ms. Jae:

Sige, ako na muna [Sir Jake: sige, go!]

Yung sa akin kasi, na-appreciate ko talaga pag ako directly yung kinakausap ng tao.

So mag-share lang ako ng example.

Kasi ako, before the pandemic kapag pumupunta ako sa Quezon City, kasi ang office ng ATRIEV nasa Quezon City.

Pag bumabiyahe ako mag-isa from Dagupan City to Quezon City, ako lang mag-isa sa bus.

So syempre magkakaroon ng maraming times na may mga nakakatabi ako na stranger ganyan ganyan.

May naapreciate ako na isang lola, di ko na rin–nakalimutan ko tanungin yung pangalan niya eh, nagkwentuhan kami ang haba ng kwentuhan namin eh.

And na-feel ko dun na alam kong curious siya pero yung way ng pakikipag-usap niya sa’kin is walang naiba.

Kumbaga parang normal conversation lang na “oh, taga saan ka?” ganyan ganyan.

So wala siyang tinanong, although okay lang naman sa’kin kung tatanungin niya sakin na “oh bakit? ano nangyari sayo? ano naging kondisyon mo?” or “anong ano ng mata mo? anong sakit mo”

Okay lang naman sa’kin kung tatanungin yun pero na-feel ko dun kay lola na yung pagkakatanong niya sakin “uy nagtatrabaho ka? gano ka na katagal sa Manila?” ganyan ganyan.

So na-appreciate ko yun na napaka casual conversation without na tinitignan niya ako as my disability

So yun lang, hindi ko lang natanong sa kanya kung nahalata niya ba na blind ako o hindi or alam ba niya or aware ba siya na blind ako o hindi? or baka malabo lang din yung mata ni lola

‘Di ko alam…

Hindi ko naman natanong sa kanya kasi yung flow talaga ng aming conversation is ano lang natural lang na di niya ako tinitingnan na may disability.

And ganun din sinasagot ko lang yung mga questions and at the same time ganun din ako,

“kayo lola? saan po mga anak ninyo?” ganyan ganyan.

so medyo nagkukwentuhan kaming ganon.

So natutuwa talaga ako kahit saan ako magpunta na kapag meron silang curiosity.

For example, tinatanong nila sa’kin kung paano ako nag-aayos.

So meron–merong one time na yung curious na tao na yun, ang kinakausap yung guide namin,

so “paano siya naglalagay ng lipstick? paano siya..?” ganyan ganyan.

Tapos ako nagsabi “Ate ako po yung kausapin mo kasi ako yung nakakaalam” sabi ko.

Kasi di rin alam talaga [Sir Jake: taray!]

Hindi! maayos ko naman sinabi yun kasi clueless din yung guide namin kasi sighted din yun eh.

Clueless din siya “‘dii ko alam teh eh, di ko alam kung paano basta kaya lang nila” ganyan ganyan.

“Ate ako na lang yung sasagot” sabi kong ganyan

Tapos mamaya sasabihin “Ay hindi mamaya na lang ako magtatanong”, sasabihin nila.

So yun, yun yung ano–na-appreciate ko talaga kapag ako mismo yung kinakausap as if hindi ako naiiba or wala akong disability, ganun.


Eh kayo naman po, Sir Jake?

Ano po yung naging challenges po ninyo?

Sir Jake:

Ganun po talaga eh, yung ano kung sakali na ano yung effective way po talaga is talk directly dun po sa person with disability kasi yun nga po

gaya ko blind lang naman po ako hindi naman po ako bingi ‘di ba po para hindi marinig kung sakaling tanungin ako kung anong nangyari.

And siguro naman habang lumalaki yung person with disability alam naman niya siguro kung ano yung nagiging condition niya at ‘di na natin kailangan tanungin pa dun sa kasama.

Although, may mga hindi siguro masasagot yung person with tungkol sa scientific na ano ng sakit niya pero alam niya kung ano yung nangyari sa kanya ‘di ba?

Pwede naman nating talaga sila direktang kauspain

At the same time makakabuild pa tayo ng ano parang connection dun sa person with disability and mas magiging aware pa tayo kasi pwede naman po talaga na tanungin kami.

For example, yun nga yung tantaunugin ka “oh paano ba…” ‘di ba?

Yung directly na tanong na “oh paano ka bumabiyahe mag-isa?”

symepre curious po yung tao diba since yun nga gaya ko totally blind tapos ba-biyahe ako mula dito sa south Cavite papunta sa north Dagupan diba po para…

Lalo na sa mga driver po sa bus ganyan pag sumasakay ako yung mga konduktor.

Talaga tinatanong po nila ako kung ano na “ano ba yung tamang word na gamitin?” ganun po sa na eh.

ikalat natin yung pagiging curious natin na hindi dun sa tipo na we show pity po dun sa ano… “kawawa ka naman, ano nangyari sa’yo?” yung mga ganun po

‘parang talk to us ano lang po, yung ordinary lang parang convo lang po talaga na hindi tinitingnan kung may disability or wala kasi mas maganda po yung ganun klase ng conversation kasi hindi pilit [Ms. Jae: hindi awkward.. oo, hindi siya awkward]

Hindi pilit yung mga sagot, hindi pilit yung…

tapos yung mga tanong parang ang dali lang sagutin kasi you can always use the usual words naman po with the person with disability lalo na sa mga gaya namin.

Gaya ko po totally blind yung tipong “nakikita mo ba?” ganyan.

Okay lang naman magtatanong eh kasi it feeds our curiosity ‘di ba?

Para masagot din yung tanong natin, at the same time kung hindi man natin alam.magiging aware na tayo na “ah ganun pala! So next time, alam ko na”

‘Di ba?

Parang ganon po.

Mas magiging madali po yun sa pagitan po ng dalawang tao lalo na kung yung isa ay yun, nage-establish ng connection with a person with disability.

Ayun po.


Thank you po! Thank you for…

Magaganda naman po yung mga insights na nabigay ninyo.


Sir Jake:

Ni-research ko po yun sa google ah!



So pag…

So, sige.

Let’s go naman po sa mga deeper relations naman po, mga romantic connections naman po.

Ayan na!

Sir Jake:

Oh my gosh!


So pano na…kumusta naman po yung dating [Sir Jake: nagbu-blush na ‘ko]

So kumusta naman po yung dating scene niyo as PWD members?

Like paano kayo nade-date?

Syempre ngayon, online or like dati nung before the pandemic, paano po kayo nagde-date dati?

Ms. Jae:


So sa ano kasi, sa *Sir Jake clears his throat

Sir Jake:

Sige, go!

Ms. Jae:

Actually parang ano lang din, same lang din.

Kakain sa labas or kung may extra budget pupunta sa amusement park ganyan or pupunta sa kung saan, mag lilibot-libot sa iba-ibang provinces ganyan, swimming ganyan.

So I think ano lang din parang yung mga non-disabled lang din, yun nga lang may different ways to do it.

For example, yung isang lugar na hindi talaga kami familiar so kailangan namin ng chaperone kahit ayaw man sana namin [Sir Jake: Yes] pero minsan kail– [Sir Jake:..third wheel]

Oo, may third wheel, may fourth wheel pa, ganyan.

May mga instances talaga na nagsama kami pero okay lang naman kasi masaya din naman and that’s how we do it eh.

Pero kung for example, alam na namin yung lalo na nung before the pandemic na medyo nag-explore kami.

Kumain kami sa isang restaurant or sa isang fast food na kaming dalawa lang wala talaga kaming kasama.

First time namin ginawa ‘yun!

And sabi ko “wow! achievement ‘to!” ganyan ganyan.

‘Di ko alam yun na pala yung ano yung huli–last sa ngayon. Kasi bef–

Sir Jake:

‘Yun na pala yung last kasi pandemic na after.

Ms. Jae: Joami:

Oo. Ahhh..

Ms. Jae:

So yun yung ano, nagplano pa kami na ano “gawin ulit natin ‘to, try naman natin sa ibang resto, punta tayo dito, punta tayo sa ganyan.”

So nagplano plano pa kami ng ganyan

SO ganun lang din nagpunta kami dun and nag-order ganyan

Yun din nga lang, kailangan talaga namin humingi ng assistance sa mga ano dun, crew pa ra i-locate yung mga table or yung chairs ganyan or yung sa menu namin ganyan.

Pero same lang din.m may iabng mway lang para ginagawa yun


Pero ngayon more sa ano kami eh.

More of online kami ngayon per o yun nga gumagawa din ng paraan talga si Jake para pumunta dito.

Sir Jake:

Ay sus! Kinikilig naman ako dun.

Ms: Jae:


Sir Jake:

Yes po.

Um, actually po yung ano yung pagde-date, not sure pero kasi pag sinabing date parang lalabas diba po?

parang manonood ng sine, kakain sa labas, mamamasyal sa park ganyan.

Minsan din kasi, lalo na po kami ni Jaelane, kapag ka nagd-date kami, feeling nami kasi kapag magkasama kami date na yun eh.

Kaya pag nandun lang kami sa lugar na magkasama kami, magkwentuhan lang kami ganyan, mag marites [Ms. Jae: Magbasa ng…magbasa ng books kasi] mag marites kaming dalawa ganyan.

Pag-usapan namin yung buhay ng iba ganyan.

Para na kaming nagde-date dalawa na isolated na kami sa mundo.

‘Di ko ang po alam kung ganun din yung na-feel ng iba pero yun kasi yung sa amin. [Ms. Jae: quality time]

Once na nandun kami it’s always parang date na po pag magkasama kami.

Kahit nga po sa ano, gaya nito pandemic kapag ka ganyan, mago-online game kaming dalawa, yan.

Magkasama yung mga character namin sa sa RPG games.

Feeling namin nagde-date na kami nun ‘di ba?

Yung mga ganun po na maliit na tasks na ine-enjoy namin virtually or physically man yan po ay parang date na talaga sa amin.

Show your care, show your love ganyan something.

Appreciate na you have partner, appreciate na nandiyan siya.

Parang gan’on po.

Pero yung the usual rin na pagdedate, yung lumalabas ganyan.

Nanood sine, pumupunta sa parks is ginagawa rin naman po namin yun nga lang may mga kasama po kami lalo na–one time nagpunta pa nga po kami Enchanted Kingdom eh.

Nag Enchanted Kingdom po kami so sumakay po kami ng ano–talagang sabi ko “sakay tayo ng space shuttle!” ganyan.

Tapos sabi ko “Dapat pagka takot na takot ka na just hug me! Don’t worry ah! I’m here.”

Pero yung mga ganung klase po na yung happiness, yung caring, yung love tapos yung quality time together kasi lalo na po ngayon pandemic, hindi talaga usual na pwede kayo lumabas-labas ‘di ba po?

Lalo na nung alert level 3 nung nakaraan, bawal.

Tapos pag hindi ka bakunado, bawal–pag di ka bakunado, bawal ang date.

Ganun po yung nangyayari nitong mga nakaraan ‘di ba?

So ayun po.

Kung paano kami nagde-date talaga…

Actually meron kaming ginawang parang simpleng ano nito ah, video: A Day in a Life na parang nag-ano.. something dating style yung video na

kung paano kami nagde-date na dalawa, yung mga ganun ganun lang something.

Ms. Jae:

At tiyaka i-ano ko lang, idagdag ko lang din yung bukod dun sa paglalaro ng online games ngayon, pareho din kasi kaming mahilig mag-read ng books so isa rin yun sa ano–minsan may isa kaming book na babasahin, sabay kami and then mamaya magrereact-react kami dun sa character “ano ba naman yang character na yna blah blah blah blah” ganyan

O kaya…

Sir Jake:

Actually, yan po, interest po talaga

Ms. Jae:

Nakikinig ng ano, nanonood ng movie or anything na yun basta quality time yun yon.

Sir Jake:

Dun po sa sinabi niya, talagang inisip or pinilit niya pong alamin yung mga interest ko para mag jive kami ganyan.

Sir Jake and Ms. Jae:

Ayun. Yun po.


Yun po yung during the relationship, eh pa’no po yung pasimula pa lang?

Nagagamit po ba yung online dating or personalan po talaga kailangan nagkikita?

Sir Jake:


Personal po talaga, opo.

Actually yun nga po, pumupunta po talaga ako sa kanila.

Nagbibiyahe po ako, sumasakay ako ng bus ganyan.

Then bababa ako dun sa kanila.

Then kwentuhan kami, then di po ako babalik ng south syempre ang layo po.

Parang nasa Dagupan siya, ako Cavite, di po ako babalik sa Cavite agad syempre.

Didiretso po ako dun sa lugar ko na sa Alaminos kasi meron din po kaming place sa Alaminos, Pangasinan and then magi-istay po ako dun ng mga ilang araw ganyan.

Bibisi-bisita po ako sa kanya kapag ka walang work para kahit papano is ano may quality time po talaga kami.

And kapag nasa Manila po kami, yung tinutuluyan naming dorm naman po, magkasama naman po kami dun.

So pag kakain ng umaga, mag tatanghalian ganyan or maghahapunan, magkasama naman po talaga.

So talagang wala naman pong naiiba kung paano nagde-date or lumalabas yung mga sighted sa amin,

Yun nga lang meron na kaming extra weapon.

May cane na ako eh.

Meron na akong baston, nako.

Talaga lakad-lakad kaming ganyan.

So yung sa iba pwede siyan dumiretso peo kami syemre medyo mabagal ng konti kasi syemrep sa safety pero dun pa rin po papunta.

Parang gan’on po.

Parang sa programming nga yung sabi namin.

Parang sa programming po as long as nakuha mo yung same output, iba man yung ginawa mong code, at least yun pa rin yung nangyayari.

So parang wala pa rin pong iba sa.. sa pagde-date sa may disability or wala.

Ms. Jae:

Pero dati before the relationship, talagang wala rin akong idea kung ano eh [Sir Jake: Ay suuus!] na may something.

Kasi nung ano nung nag-approach siya dati, talagang parang friends lang talaga kami and then since–ano kasi siya nun eh habang nag-aan siya binabasa niya kasi nun Harry Potter.

Kasi ako sabi ko parang ayoko–di ko gusto basahin yung Harry Potter kasi parang amsyado siyang maingay, masyado siyang famous.

Naririnig ko pa lang yun parang medyo nananawa na ako ganyan.

Eh binawi ko lahat yun, binasa ko yung Harry Potter.

So habang binabasa ko yung Harry Potter ganun din nagrereact-react “anong nangyari? may namatay?!”

Ayun tapos ayun parang dun din kasi pumasok yung interest kasi may.. parang halos lahat nung mga tianon kong topics sa kanya meron siyang sagot “ah, oo. ganito ganyan”

So parang makakasabay talaga siya sa kahit na anong topic.

So dun nag-start.

Nagkita kami in-person which sa’kin talagang mas gusto ko yun na pag may dating or relationship, parang mas gusto ko talaga na mamee-meet muna in-person kahit the rest, dun na kayo mag get to know each other online.

Okay na ‘yun sa’kin.

Pero basta ang importante is mameet ko siya in-person muna bago siya–bago sa online.

Tapos yun, parang naging friends kami.

Mula nung nagchachat ami di na tumigil.

Sir Jake:

Siya po yung umuubos ng ano po, siya po yung umuubos ng load ko actually.

Magkatext po kami, text-text kami without knowing Talk ‘n Text ako, TM pala siya.

Regular load lang pala yung ginagamit ko mga ganun.

Then dun ko na siya inadd sa Facebook.

Mas madali yung ganito wala pang load load.

Ganun po. [Ms. Jae: Ayun]


Okay po.

So yun nga, I think dun na tayo papunta.

So parang, what is the story po behind your relationship?

Paano po kayo nag-meet?

At nung naghahanap po kayo ng life partners, ano po yung mga standards niyo at that time?

Ms. Jae:


Sir Jake:


Ms. Jae:

Ah sige, ako na lang.

Ako na lang magsasabi.

Namention na kanina ni Jake na nagmeet kami sa ATRIEV so nung mga panahon kasi na yun trainer na ko, part-time trainer na ‘ko dun, siya pagraduate pa lang as student.

Pero pagkatapos nun na-hire na siya as one of the part-time trainers din na makakasama ko.

So yun.

Dun kami nag-start tapos napanood ko.., di ko talaga siya napanood na nag present nung kanyang powerpoint presentation.

Sabi niya na ano “uy ang galing mo ah!”, ginanun ko siya.

Tapos sabi niya “uy, chamba lang yun” sabi niyang ganun.

Tapos sabi ko sa kanya “huy ano ka ba? pinaghirapan mo yun tapos effort mo yun tapos sasabihin mo chamba chamba”.

Tapos ewan ko.

Hindi siya naka-imik kaagad eh.

Ewan ko diyan!

Tapos dun na nag start.

Tapos kinabukasan yung classmate niya, hinihingi yung number ko pero hindi naman siya ano, parang sabi ko kasi “oh kung meron kayong mga questions, ganyan ganyan pwede niyo akong i-contact”.

Tapos nung nirerecite ko yung number ko, eh ang tagal makuha nung classmate niya, siya yung nakamemorize, siang bese ko pa lang ni-recite memorize na niya kagad.



Ms. Jae:


Tapos yun may nagtext sa’kin kinabukasan.

“Hi, ma’am”–ma’am pa nga tawag niya sa’kin eh.

“Hi, ma’am! Si Jake po ito.”

Tapo yun, dun nagstart.


Eh kayo naman po, Sir Jake?

Mabango po ba talaga yung–

Sir Jake:

Ang nangyari po talaga niyan ganito po.

Actually, final presentation po namin nung araw na yun.

So yun nga po nag-aayos ako kasi ang presentation ko po nun is yung assemble-disassemble ng computer.

So nagseset-up ako, dumating siya.

Yun nga, mabango.

And then yung trainer ko, teacher ko siya that time sabi “may papakilala ako sa’yo” sabing ganon.

May lumapit sa’kin tapos sabi niya “kamayan mo”.

Kinuha niya yung kamay ko ta’s…

Ms. Jae:

Kinuha niya din yung kamay ko, actually.

Sir Jake:

Pero sabay ko din kinuha yung kamay ni Jaelene eh, actually.

Tapos nung kakamayan ko na, hindi naman… wala naman akong nahawakang kamay.

Yun pala, siya lang din yung nakipag-kamay.

Sabi niya “Jake, si Jaelene. Jaelene, si Jake” pero silang dalawa po yung nagkakamay.

Parang prinops yung kamay ko.

Sabi ko “niloloko mo ba ‘ko, sir” sabi kong ganun.

Ta’s yun na, habang nagpepresent–nasa presentation na, ako na yung nagpepresent, nandun siya nanonood-nood, paalis-alis ganyan.

Ano yun eh, kadarating lang niya from certain community based training yata.

Tapos nandun siya, nanonood.

Actually, yun nga meron kaming applicante din nun sa ATRIEV na mag a-apply.

Siya yung parang naka-assign na magbantay habang nage-exam something.

And then yun nga since kasabay ng presentation, talagang sa isip-isip ko nung kinukuwento yon sabi ko talagang “siguro nung nakaharap ako nitong Jaelene, type na ‘ko nito eh”

Ms, Jae:


Sir Jake:

Kasi ano, sabi sa’kin habang nagpapa-exam siya nun talagang lumalabas-labas para panoorin yung presentation ko.

Tapos nung natapos na ko tumabi sa’kin.

And then yun.

Sabi niya “ang galing mo kanina ah!”

Sabi ko “chamba lang po yun!”.

Syempre pahumble tayo kunwari ‘di ba?

“Chamba… chamba lang po” sabi ko.

“Hindi, pinaghirapan mo yun”

Tapos yun nga po hanggang sa nag tuloy-tuloy na kinabukasan ay pumasok po siya pero bago siya pumasok nun, kinabukasan kasi nagulat na lang ako nandun na siya sa dorm namin.

Sabi ko nga “what a coaccident!”

Ms: Jae:


Sir Jake:

‘Di ba coaccident tawag dun?

Kasi habang kumakain ako dun, kasama ko yung mga kaklase ko habang kumakain kami.

Sakto nandoon siya bumaba or dumating siya dun sa dining area.

Hinawakan niya pa yung likuran ng upuan ko.

Ms. Jae:

Hindi ko alam na siya yun!

Sir Jake:

Oo, di niya alam na ako yun.

Tapos sabi ko “wow! talagang parang hanggang dito sinusundan yata ako ni ma’am!”

Tapos pagdating namin dun sa ATRIEV yun nga hiningi ng kaklase ko yung number niya.

Ewan ko siguro sinadya niyang bagalan or inulit niya po mga tatlong beses mahigit para talagang makabisado ko.

Magkatabi na po kami nun eh sa upuan.

censor sound *dictates the phone number

Mga limang beses po yun.

Ms. Jae:

Kabisado niya pa rin hanggang ngayon, oh my gosh!

Wala na yung number ko na yun eh.

Sir Jake:

Ayun po so talagang mula po nun ay yun, nagkakausap nga kami.

Nung unang ano ko po, parang opposite talaga kami tapos nagulat na lang habang nagkwekwentuhan kami na yung mga interest for example, reading books, yung sa panonood ng anime, even sa mga japanese songs ganyan, nagugulat na lang kami na yung pinakikinggan niya, pinakikinggan ko rin pala ganon.

Parang “Wow! Tadhana!”.

Mga tipong ganun.

“This is fate!” parang ganun.

Sabi ko parang ganun po.

So talagang hanggang doon tapos hindi naman po talagang intention na yun nga maging kami although nung una, talagang interested po ako sa kanya.

Sinabi ko naman yun sa kanya sa, nung first time akong tumawag sa kanya or nag text yata.

Nung nagkausap nga kami tumawag pa ako sa kanya, di pa ako nakapagsalita kagad.

Pinakikinggan ko lang yung boses niya.

Ganun po ako…

Stalker ang dating eh.

Tumawag pero ‘di nagsasalita.

“Hello? hello?” ganun lang siya.

Wala lang pinakikinggan ko lang yung boses mo…

Ayun hanggang sa nag click nga po kaming dalawa kaya..

So ayun po hanggang sa ayan, ngayon po inabot na kami ng ano six years?

Ms. Jae:

Next month, six years na tayo.

Sir Jake:

Yan, magsisix years na po kami.

So ayun po.


I see po!

So talagang grabe po yung pagka-explain niyo.

Very–very comprehensive po.

Siguro dala nga po yan ng pagiging tech, tech po kayo.

Very specific po yung mga detalye.

Napansin ko kanina ko pa naririnig yung “level-up” “program”

Sir Jake:



Pero curious din po kami.

Ano po yung day-to-day routine niyo together or in this case since LDR nga po kayo, pano po yung day-to-day routine niyo na nagbo-bonding po kayo?

Like hindi lang po yung date.

Yung regular day-to-day interaction.

Sir Jake:

Lagi kaming magkasama sa server.

Ms. Jae:

Oo, meron kasi kaming application [Sir Jake: Oh, sige sige. Ikaw na.]

Meron kasi kaming application na TeamTalk yung pangalan.

Ewan ko kung familiar kayo dun.

Meron kasi kaming sariling server and then dun kami talaga nakatambay since naka work-from-home, dun din ako nagwowork.

Kumbaga kahit na nagwowork ako, nandun din ako so gumagawa ako ng documents ko ganyan ganyan.

So minsan mag-ano “mag-lunch na tayo!” or something ganun.

And then pagdating sa gabi, yan sa messenger naman kami.

Magdamag na yun na naka-on yung messenger hanggang makatulog.

Sir Jake:


Grabe, magdamag na messenger.

Ms. Jae:

Ayun! [Sir Jake: Opo, ganun po talaga. Magkasama kami online]

Tapos kinabukasan, ganun naman.

Kinabukasan “good morning!” ganyan ganyan.

So hanggang ganun, araw-araw ganun lang.


Sir Jake:

Araw-araw ganun, nandun kami sa server.

Sasabihin lang po “good morning! nandito na ako sa TeamTalk” papasok na po siya.

Kapag ka wala pa siya, “ah tulog pa”.

Pero kapag ka nandun na siya, ako yung tulog.

So paggising, ayan magkasama na po kami dun.

Kwentuhan ng ganito ganyan, mga current news, mga balita.

Ms. Jae:

Ganun yung mga ano namin, yung mga bonding namin ayun ganun siya.

Sir Jake:

Tapos habang nagwowork, yan.

Habang gumagawa po siya ng mga paperworks niya.

Tapos ako gumagawa din ng mga paperworks ko or for example nagtetest ako ng website, nagchecheck ako ng applications, nandiyan siya.

Pinagkwekwentuhan namin

And then minsan yung music.

Nakikinig kami sa music dalawa dun sa server.

Wala lang nakiking lang kami ng music kahit may [Ms. Jae: Soundtrip lang] ginagawa kami parehas.

Soundtrip lang ganyan.

And minsan nagrerecord-record kaming dalawa.

Actually yun nga isa sa mga naging bonding namin nitong nakaraang pandemic yung audio drama na ayun, nagrerecording kaming dalawa.

Sumali kasi kami ng parang audio drama contest.

Naging bonding namin yun.

Yung pagpalit-palit ng boses “Oh magrecord ka! sabihin mo ‘to.”, yung mga ganyan ganyan.

So yun po, mga simpleng ganun lang natutuwa na kami.

And then yun pag-aalis iiwan lang namin ng naka log-in yun tapos pagbalik, nandiyan pa rin.

Pero syempre iniinform naman namin yung isa’t isa na “Oh umalis ako saglit” or may lakad.

Pero pag may klase syempre hindi kami magkasama kasi lalo na pag nagtuturo ako.

Ms. Jae:

Nag o-out.

Sir Jake:

Tapos babalik lang ako dun after classes.

Pagkwekwentuhan namin, ayun.

Yung sa Facebook minsan, yung mga marites diyan sa Facebook pinag mamarites-an din namin.

Syempre, nakiki-uso ‘di ba?

Ayun po.

Ms. Jae:

Tapos ayun.

Pinapaalala ko rin–pinapaalalahanan ko rin siya kasi may mga instances rin na “oh kumain ka na ba?”

So, “nagtake ka na ba ng medicine mo?”

So ganun yung ano namin, routine namin.

And then pag ano din, pag lalabas kasi, kahit sino sa’min hindi namin kailangan humingi ng permission.

Inform lang.

I-inform lang namin na “oh, punta ako sa ganito ah” o edi sige go!

Hindi kami kasi yung tipo na “ano, okay lang ba? eh niyayaya ako ni ganyan…” or “labas daw kami ni ganito, okay lang ba?”


Kasi may mga ibang mga couples ‘di ba na pag ‘di pumayag yung isa, ‘di pwede.

So hindi kasi kami nagpapaalam.


Pinapa-alam na yun nga, inform pero hindi naman humihingi ng permission.

Sir Jake:

“Okay lang ba?”

Tapos pagka sinabing “hindi” edi sad ka.

Sabihin mo na lang “Oh pupunta ako dito” period.

Para hindi na siya maka-ano “di pwede!”.

‘Di ba?

Ms. Jae:


Yun, ganun.



So it’s nice to see naman po na sobrang open naman po kayo sa isa’t isa.

With that, ano pong…

Gusto pa po namin itanong, ano po yung mga challenges na nafe-face niyo like in relation to your relationship and in relation to your relationship with your disability?

SO, are there any challenges po na na-experience niyo?

Sir Jake:

Hmmm, sa relationship namin?


Siguro ano naman eh, the usual kapag nagtatampo siya ganyan or meron kaming di napagkasunduan.

Mga ganon.

Hindi lang kami mag-uusap ng mga minsan ilang oras o minsan isang gabi hindi kami mag-uusap.

Pero kinabukasan, lagi namin sinisiguro naman kasi na nagkaka-ayos kami at yun napag-uusapan naman namin “oh ganito kasi ganyan… sa susunod ganito ganyan”.

Yung mga tipong ganun po na nararanasan din naman lahat siguro ng mga nagka relasyon.

And syempre, may mga selos.

Normal yan,

Ms. Jae:

Both sides

Sir Jake:

Hindi maaalis kasi ayun po eh syempre nakakaramdam tayo ng mga emotion ‘di ba po?

And normal naman yun.

So yun minsan nakakaramdam ka ng selos.

Nakakaramdam din naman po ako ng selos.

So parang yung mga challenges is yung mga ganun ganun lang po.

Wala naman kaming major away na parang “hiwalay kung hiwalay!”.

Wala naman pong ganun

Ms. Jae:

Wala, oo.

Sir Jake:

‘Di naman po umabot sa ganun kasi yun nga po lagi naming iniisip na––

Yun kasi yung paniniwala namin na yung pagtatalo part talaga yan ng pagsasama.

Parang spice kumbaga.

And yun nga lang pagka pinatagal ninyo parang hindi na siya spice.

Baka siya na yung–––

Ms. Jae:

Hindi siya healthy.

Sir Jake:

––Siya na yung sisira dun sa ano kapagka matagal pa.

So we always make sure na within the day or hindi lalagpas ng dalawang araw o isang araw na ganyan na magkaka-ayos kami.

And we reflect po on that.

Ms. Jae:


Kasi ano eh hindi naman talaga nagwowork na….

Kumbaga wag niyong intayin yung kinabukasan na magkaaway kayo kasi yun nga kailangan mong magpalamig eh.

Kasi kung ‘di talaga–di pa talaga kayo pwedeng mag-usap or mainit talaga yung situation.


Talagang mag-ano muna, magpalamig muna ganyan.


Sir Jake:

Pero nagchachat po kami

Ms. Jae:


Tapos ano yung common lang din kasi since magkaibang-magkaiba talaga kami ng personality.

‘To kasing si Jake may ano siya–very positive so kung may binigay sa kanya na anything na kahit challenging “sige, go!” walang ano, go lang.

So walang problema.

So may mga instances kasi na ako, overthinker ako ta’s minsan “ugh, di ko yata kaya ‘to”.

So siya yung nagchee-cheer up sa’kin.

Pero may mga instances din na naiinis siya sa’kin kasi “bakit ganyan yung ano mo?!”

Sir Jake:

Opo kasi chinee-cheer ko na nga tapos ayaw pa rin niyang maniwala.

Minsan yun po yung pinagtatalunan namin talaga kasi siya po mismo yung ano kulang sa self-confidence.

Ms. Jae:


So yun din.

Sir Jake:

Medyo negative talaga po siya.

Ngayon nga po at least medyo okay na and nahawaan ko na siya ng postiveness.


Ms. Jae:


Kasi ano nga eh baliktad eh na kung cino-compare ko, yung first two years namin.

Kasi sabi ng iba, first two years wala pang masyadong ano away yan, sabi nila.

Pero baliktad sa’min.

Yung first two years namin, yun yung madalas na nag-aaway kami.

Mas madalas yung away nun.

Pero ngayon parang mas ano na siya okay na.

Sir Jake:

Kasi po ano eh nakatingin siya lagi dun sa ano yung “what if”.

Tapos yung parang future, yung mangyayari sa… yung consequence kapagka ganito ganyan.

So yun yung lagi niyang naiisip.

Eh nasa negative.

Ms. Jae:


Sir Jake:

Eh yun nga po, total opposite sa’kin kasi ‘di ba nga po yun nga tulad ng sinabi niya na ako go lang nang go.

Ms. Jae:

Go with the flow.

Sir Jake:

So wala pong ano sa’kin dun.

Challenge accepted.

Eh siya po yung nag nenegative kaya minsan yun yung napagtatalunan namin.

Lalo na nung mga una-unang taon kasi yun “hala baka ganito ganyan, naku! paano ba ‘to?!” ganyan something.

Ms. Jae:


First boyfriend ko din kasi siya eh

Joami & Vianna:


Sir Jake:


Ms. Jae:

Kaya ang dami pang–ang dami pang what ifs so bago pa lang na ano…

Sir Jake:

First and last-in mo na!

Ms. Jae:

Oh, first and last.

Oo kasi yung before pa–before pa nun na nung talagang ano na yung…

Alam niyo yun?

Yung feelings niya, nandiyan na talaga yung feelings.

So naga-ano ako nun.

Eh di syempre ako na medyo overthinker “hala pa’no ‘to?”

“Matatanggap ba siya ng parents ko?”

“Matatanggap ba ako ng parents niya?”

So ang dami-daming what ifs na talagang hesistant ako noon na oo na ba ako?

Pero sabi ng heart ko “go na! go na!”

Pero yung isip ko parang “ano ba yun? ano bang manyayari? okay lang kaya?”

Sir Jake:

May ganun?!

Ms. Jae:

So… so yun yung ang daming what ifs talaga nun kasi first boyfriend ko nga siya.

So 24 years old na ako nagka boyfriend.

Ayun ta’s siya pa…

Sir Jake:

Ano yan eh…

Ms. Jae:

Tapos yung mga previous ano pa niya–previous relationships niya puro mga sighted sila.

So ako lang din yung first girlfriend niya na visually impaired.


Sir Jake:

Hindi, lahat nung naging ano ako blind.

Blind sa pag-ibig.


Okay lang naman po na first po kayo.

Ang mahalaga kayo po yung last.

Oh ‘di ba?

Sir Jake:

Yun oh!


So since mukhang medyo expert naman po kayo… since mukhang talagang healthy–healthy yung relationship po ninyo.

Kitang-kita naman po namin yun.

What is–ano po yung message niyo sa mga listeners natin at message po niyo sa isa’t isa

Para sweet…


Yan, closing message para sa isa’t isa.

Sir Jake: Ms. Jae:

Sige, ladies first. Ayan, sige mauna ka na.

Ms. Jae:

Oh sige, ako na.


Message ko sa listeners natin na yung relationship basta mapatakbo mo siya nang maayos ay maganda yung kinalalabasan niyan.

Both man yan disabled or person with disability to person with disability na partner o couple.

Or yung non-disabled pareho or yung mga inter-abled na non-disabled tiyaka disabled couple.

Nangyayari’t nangyayari talaga yung challenges kasi yun nga ang daming what ifs na dahil lang din sa environment na…

For example, yung partner mo lalo na kapag for example eh sighted yung partner and may disability yung girl o yung guy.

Okay lang dun sa partner na non-disabled na yun.

Kumbaga tinanggap niya yung tao hindi lang––na hindi tinitingnan yung disability pero pagdating dun sa paligid kasi for example, nagde-date sila oh ano

“ah blind pala yung girlfriend mo!”

“ang bait mo naman” ganyan.

Swerte naman niya kasi sighted–pinatulan siya ng sighted parang something ganun.

So isipin natin na yung disability kasi, it’s a part of yung identity ng tao.

Parang ganun din.

Filipino and Filipino.

‘Di ba wala naman tayong sinasabi–wala namang case yun.

Or Filipino to and then foreigner yung partner niya.

Okay lang naman na din yun.

So ganun din kapag may disability ka and then yung partner mo without disability, same lang din.

So yung mga challenges, yung mga what ifs or yung mga issues dahil sa personality niyo nagkakabanggaan yung mga opinion ninyo, nagkakabanggaan.

Normal lang yung kasi wala naman talagang perfect relationship so kahit gano ka-healthy yung relationship, meron at meron pa ring time na darating na magkakaroon talaga kayo ng tampuhan or misunderstanding.

So, pare-pareho lang yan may disability man o wala, yung mga experience is pareho lang din.

Although, may mga bagay nga na ginagawa yung persons with disability na in different ways pero sabi nga ni Jake kanina, ganun pa rin yung results.

Same result iba lang yung ways na ginawa.

And then message ko kay Jake, oh my gosh!

Sir Jake clears throat

Sir Jake:

I-record ko ba ‘to?

Naku i-record ko ‘to!

Dapat ma-post ko ‘to sa Facebook.

Ms. Jae:

Hindi, mapapanood naman ‘to.

Ayun, um… [Sir Jake: Hindi. Yung certain line lang]


Kahit one line lang po para ano…

Ms. Jae:


So… [Sir Jake: Ipopost ko yan, naku!]

Message ko kay Jake, thank you for staying and thank you for loving me.

Oh my god!

Sir Jake:


Bon Jovi, ikaw ba yan?

Ms. Jae:

Yun, thank you for loving me.

I love you!


Joami & Vianna:


Sir Jake:


Kinikilig ako.


Oh kayo na Sir Jake, okay na.

Sir Jake:

Ay naku!



Ako naman po siguro message ko sa ano–siguro hindi na lang para sa mga persons with disability kasi hindi lang naman persons with disability yung may relationship.

May mga sighted.

Ah pare-parehas lang naman po yun na pumapasok sa isang relasyon at nagmamahal, ganyan.

‘di ba?

So siguro po yung pagiging totoo sa sarili.

Hindi niyo kasi kailangan baguhin yung sarili mo para lang matanggap ka nung taong gusto mo kasi kung talagang mahal ka niya, yung true identity mo–package kasi yun eh.

Hindi lang ikaw, sarili mo, pagkatao mo.

Kapag sinabi niyang mahal ka niya dapat mahal niya yung lahat sa’yo.

Kasi yun nga tulad ng sinabi ni Jaelene wala namang perfect, wala namang…

Kahit nga yung, halimbawa na lang po, kahit nga yung itlog na ang kinis-kinis pag tiningnan ng malapitan baku-bako pa rin ‘di ba?

So hindi natin masasabi na makinis lahat or maganda yung daloy ng mga pangyayari.

Talagang daan at daan sa pagsubok, merong pag-aaway, pagtatalo, di pagkakaunwaaan.

Ang importante kasi dun is sa kabila ng pag-aaway na ‘yun ay hindi pa rin naghihiwalay yung kamay niyo, kayo pa rin magkahawak dalawa and sinusubukan niyong lagpasan yung obstacle na magkasama.

Kasi kapagka sabi nga dun sa nabasa kong quote, ‘di ko lang alam sinong nag-post nun.

Yung love and relationship kasi parang naghihilahan kayong dalawa ng goma so siguro kung talagang mahal niyo ang isa’t isa, once kasi na binitawan nung isa yung kabilang dulo ng goma, masasaktan yung isa.

So be mindful of that.

And sa tingin ko siguro yung–ano bang tawag dito?

Falling in love yung mga ganun ganun.

Teka lang, wait lang po!

Ayun, yung ano siguro yung sa love it’s ano eh…

Faliing in love, pwedeng ano siya magical, pwedeng chances pero yung staying in love it’s your choice po kasi.

Kasi hindi naman umiikot na lang dun sa chances na “mahal ko siya kaya kami. mahal ko siya kaya nandiyan”

It’s your choice kasi to love him o her more.



Sir Jake:

So nandudun po ‘yun eh.

Kaya siguro hindi rin nag-iiba yung or nagbabago yung sa pagitan or yung relationship namin ni Jaelene kasi yun nga tinitingnan kasi namin na we choose to fall in love with each other na paulit-ulit.

So we have something new, we explore new things.

Yun lang din po yung mapapayo ko.

Wag silang maging stagnant o manatili sa kung ano yung conventional o ano yung natural or ano ba yung ordinary na ginagawa.

Look for other way para mas mapasigla yung relationship tulad ng maghanap ng ibang paraan.

Ano ba yung pwede niyong enjoy-in dalawa na magkasama na iba dun sa regular na ginagawa niyo, ‘di ba?

So yun po yung nagbibigay kasi ng excitement sa pagitan niyong dalawa tiyaka syempre yung surprises.

Wag tayo maging common.

Parang yun nga po, wag maging masyadong common.

Be––ano ba tawag dun?




Sir Jake:



Ginawang exotic eh ‘no.

So ayun po.

And message naman kay Jaelene.


Although, ayun nga lagi akong palabiro siguro baka nga iniisip ng iba na puro biro puro sabi, puro salita.

Pero yun po.

Once kasi na may sinabi naman ako sa kanya na hindi biro and kapag sinasabi ko naman sa kanya na “mahal kita” at tiyaka nung nagpropose ako sa’yo, hindi naman biro yun.

Totoo naman talaga yun.

Baka naman isipin mong biro yun.

Naku, totoo yun!

And siguro message ko sa’yo, maraming salamat kasi nandiyan ka lagi, tanggap mo yung–syempre di naman…

Kung may good side may bad side ‘di ba?

Di naman laging maganda yung or walang–ano ba yun?


Dungis talaga.

Yung walang ano, yung maganda yung pagkatao mo ganyan.

Syempre meron ka rin namang pagkakamali, mga mishap ganyan.

Or syempre nagkakaroon tayo ng pagtatalo pero nandiyan ka parin, naka suporta sa’kin and ayun nga…




So, I love you and yun nga yung parang ano po part sa kanta yung gusto kong sabihin sa kanya yung “pag-ibig ko sayo’y hindi nagbabago at habang tumatagal, yan ay lalong nag iibayo”




Sir Jake:

And ayun, I love you and will always love you!

Ayun po so…


Thank you po, Sir Jake!

Sir Jake:

Tsup tsup mwa mwa!

Ayun po yung nasa messenger, tsup tsup mwa mwa.


So thank you po, Sir Jake!

Ah Vianna medyo malungkot ako kasi medyo overtime na tayo so like ito na yung ending ng ating kuwento kasama si Sir Jake at si Ma’am Jaelene.

So siguro madami pa tayong mapag-uusapan pero for now, this is it.

So that concludes po our––this week’s Speak Out episode on Love and Relationship.

So thank you po talaga kay Ms. Jae and Sir Jake for joining us today.

Dami po naming narinig na mga kwento na sobrang sweet po ninyong dalawa.

Sir Jake:

Ayy, salamat po!


So thank you so much for sharing your stories and experiences with us and we hope nag-enjoy din naman kayo.

Sir Jake and Ms. Jae:

Yes po!

Sir Jake:

Siguro po mapaptunayan namin na yung tanong po ninyo kanina about paano nage-establish ng friendship o communication yung with disabilities sa without gaya po na nag-uusap tayo since ito po yung first time natin nagkakaharap-harap pero parang ‘di ba natural lang po, ordinary lang yung conversation.

So ganun po.


And nakakatuwa po, ayan.

We really enjoyed.


And to our listeners we hope also that you have enjoyed our deep dive into what there is to know about the interactions and connections between the PWD community with fellow members and non-members.

If you’re keen to learn more about the PWD sector, join us next week on our episode on Special Interests.

See you next time!

Thank you!


Thank you everyone!

Sir Jake and Ms. Jae:

Thank you po!


Thank you!